OTS Personnel na lumunok ng $300 – nanindigang ‘chocolate’ ang kaniyang kinain

Muling idiniin ng Manila International Airport Authority (MIAA) na walang puwang sa kanilang paliparan ang mga katiwalian kasunod ng viral video ng paglunok ng isang personnel ng Office for Transportation Security (OTS) ng $300 mula sa isang pasahero.

Sinabi naman ni OTS chief Usec. MaO Aplasca na inaaral na nila sa ngayon ang posibleng pagfa-file ng criminal case laban sa OTS personnel na nasa video.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Kung maaalala kasi, ang Chinese passenger na hinihinalang nakuhaan ng pera ay hindi na raw magsasampa ng reklamo laban sa screening personnel.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Sa huli, tiniyak ni Aplasca na lahat ng OTS members ay isa-subject sa imbestigasyon.

Sa kanila raw kasing pagsisisyasat, sinabi ng inaakusahang personnel na ‘chocolate’ lang naman ang kaniyang nilunok at hindi pera.

Sa ngayon, isinailalim na ito sa preventive suspension.