Lalo pang nilugawan ng Iloilo City ang kanilang travel restrictions para sa mga fully vaccinated travelers.
Sa Executive Order No. 015 ng naturang lungsod, tinanggal na ang mga requirements na negative RT-PCR test at quarantine.
Pero sa oras na makaramdam ang mga fully vaccinated individuals ng mga sintomas na may kinalaman sa COVID-19 ay kailangan na agad ilang mag-isolate at sumailalim sa NPS/OPS RT-PCR testing.
Samantala, ang mga partially vaccinated at unvaccinated individuals ay kailangang agad sumailalim sa quarantine sa oras na dumating sa naturang probinsya, sa pamamagitan ng mga designated quarantine facilities.

Pagsapit ng ikatlong araw ng quarantine, ay sasailalim ang mga ito sa RT-PCR testing.
Ang mga partially vaccinated at unvaccinated returning overseas Filipinos (ROFs) naman na may travel history mula sa “Red” list countries, ay kailangang kompletuhin ang 14 day quarantine mula sa petsa ng pagdating, at sasailalim sa RT-PCR testing, matapos ang limang araw matapos ang date of arrival. //MHEL PACIA-TRINIDAD