Bicol region kasama sa mga piling rehiyon sa bansa na may aprubadong budget na aabot sa P13.28 billion

BNFM Bicol-INAPRUBAHAN batay sa end-of-May tally ng Board of Investments (BOI) ang P640.22 billion na investment pledges na nagmula sa kabuuan ng domestic at foreign investments sa bansa.

Ayon naman kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, P13.28 billion ang mapupunta patungo sa mga proyekto para sa rehiyon.

Kasama ang Bicol sa mga rehiyon na popondohan para sa tuloy-tuloy na proyekto na may kinalaman sa renewable energy investments kasama ang CALABARZON, Ilocos, Central Luzon, at Western Visayas. ### Nico Merciales, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *