Nagtipon-tipon ang ilang manininda ng Castillejos Market sa munisipyo kaninang umaga.
Ito ay matapos na hindi na umano payagan ng LGU na makapagtinda sa palengke dahil sa ilang paglabag tulad sa hindi pagbabayad ng permit on time.
Aminado naman ang marami sa kanila na mayroong nagawang violations dahil na rin umano sa pandemic kung kailan may mahihigpit na restriksyon.
Paliwanag naman ni Mayor Eleanor Dominguez, makailang beses ng pinagbigyan ang mga vendors ng konsiderasyon pero pinadalhan na sila ng Audit Observation Memorandum ng Commission on Audit noon pang Marso tungkol dito.
Dahil dito, nagpadala ng liham ang BPLO sa mga manininda at pinagbigyan pa rin subalit dahil makailang beses na umano ay ipinatupad na ng LGU ang kautusan.
Samantala, kasabay ng pagpunta ng mga apektadong manininda kaninang umaga umaga sa munisipyo ay nagkakaroon naman ng pag-uusap sa pagitan ng mga ito at ng mga kawani ng munisipyo sa pangunguna ng alkalde para maresolba ang problema.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
