Ilang US diplomats pinangangambahan tinamaan ng misteryosong Havana Syndrome

Iniimbestigahan ng Austrian authorities ang mga report na ilang US diplomats sa Vienna ang nakaranas ng sintomas ng misteryosong sakit na kilala bilang Havana syndrome.

Sinabi ng Federal Ministry of European and International Affairs na seryoso ang nasabing usapin at mahigpit ang kanilang pakikipag-coordinate sa US authorities para sa isang joint resolution.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Dagdag pa ng Ministry na prayoridad nila ngayon ang mga diplomats at pamilya ng mga ito sa nasabing isyu.

Una nang inihayag ng US State Department na kasama ng kanilang counterpart ay nagsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil sa posibleng hindi maipaliwanag na health incidents sa mga tao ng kanilang embahada sa Vienna.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Base sa report, kabilang sa mga nararanasan ng mga biktima ng Havana syndrome ang vertigo, pagsusuka, sakit ng ulo at head pressure, at marami pang kakaibang pakiramdam ng sensations.

Unang naranasan ang Havana syndrome sa Cuba noong 2016 pero hanggang ngayon ay walang natutukoy ang federal investigator kung ano ang posibleng pinagmulan ng nasabing misteryosong sakit.