NAGA CITY- Mahirap mang pagsabayin ang pag-aaral, pagtatrabaho at pagiging isang ina sa dalawang anak, hindi ito naging hadlang upang maabot ang pangarap na maging nurse.
Ito ang kwento sa Brigada News FM Naga ni LUZIEL AÑONUEVO DOMINGUEZ, Top 7 sa Nursing Licensure Examination.
Tumalon si Luziel at ang kaniyang anak nang i-text ng dating guro ukol sa resulta ng eksaminasyon.
Aniya 2008 pa siya sa Naga College Foundation, natigil sa pag-aaral dahil hindi kinaya ang pangmatrikula. Nagtrabaho, bumalik sa pag-aaral sa ibang kurso at nagkapamilya. Ipinagpatuloy nito ang pag-aaral sa Nursing ulit kasabay ng pagtatrabahong muli. 2020 nang makapagtapos, inaasahan ng 29-ayos na si Dominguez na makakapasa sa exam subalit hindi ang makasama sa Top 10 nang 5,008 bagong nurses mula sa 7,746 na nag-exam.
Sa panayam ng Brigada News FM sa nakababatang kapatid na si Dicson , sinabing pagsasaka ang hanapbuhay ng pamilya sa bayan ng Minalabac , naranasan nila ang hirap lalo pa’t sabay sila noong nag-aaral ng kapatid kaya may kailangan tumigil at magtrabaho.
Ngayon aniya nakita naman nag bunga ng pagpapagod ng kapatid at pamilya.