Ilang telecommunication providers sa Daraga, Albay, nakipagpulong sa MEO sa pinaplanong massive removal ng dilapidated na mga poste ng telepono at kuryente

LEGAZPI CITY – Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Daraga na nagkaroon ng pagpupulong ang Municipal Engineering Office (MEO) at ilang telecommunication providers para sa gagawin nilang massive removal ng mga dilapidated na poste ng telepono.

Ayon sa LGU ng nasabing bayan, dalawang barangay ang kanilang uunahin sa pagtanggal ng mga dilapidated na poste ng telepono at kuryente sa Brgy. Market Site at Brgy. San Roque.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Aniya, kailangang linisin o ayusin lamang ang mga kable sa mga poste at kuryente upang maging maayos na tingnan ang mga ito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Inaasahang sa mga susunod pang mga araw ay masisimulan na umano ang pagtanggal at pag-ayos sa mga kable ng telepono at kuryente.

Maliban pa rito, nagsagawa rin ang mga tauhan ng MEO ng relocation ng PLDT communication cables sa likod ng munisipyo.