Mga badjao sa Legazpi City, pinagdadampot ng Task Force Kaayusan at  Kalinisan matapos makatanggap ng reklamo ang alkalde

LEGAZPI CITY – In-operate kahapon ng Legazpi City Task Force Kaayusan at Kalinisan ang pinagpi-pwestohan ng mga badjao sa lunsod para makapaglimos sa loob ng mga Public Utility Jeepney (PUJ).

Ayon kay Mark Andy Marbella, pinaghuhuli ng mga ito ang mga badjao dahil marami nang reklamo ang natatanggap ng alkalde ng Legazpi.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Dahil dito, binigyan ngayon ng pansin ng City Government of Legazpi ang mga reklamo ng nga pasahero kung saan kailangan tanggalin ang mga ito

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Napag-alaman rin umano na bagong grupo ito ng mga badjao na nagmula sa Sulu at kasalukuyan nakatira sa Brgy. Bitano.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development Office ng Legazpi ang mga badjao.