Ilang sundalo nangangampanya umano sa isang aspirant pagka president; nanakot ayon sa NDF BICOL

LEGAZPI CITY – Tinatakot umano ng Phil Army ang ilang mga Bicolano na iboto sa darating na National And Local Election 2022 na piliin ang former Senator at tumatakbong Pangulo na si Bongbong Marcos. Ito ang ipinadalang mensahe ni Ka Ma Roja Banua, ang tagapagsalita ng National Demokratic Front (NDF) Bicol sa Brigada News Fm Legazpi.

 Ayon kay Banua, sa mga ulat na natanggap ng NDF-Bikol mula sa masa sa mga area ng Retooled Community Support Program (RCSP) sa nasabing rehiyon ay lantarang kinakampanya umano ng mga nag-ooperasyong militar at sinisindak ang masa upang iboto si Bongbong Marcos na kilalang alyado na si Pangulong Rodrigo Duterte at anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr.

 Aniya, tahasang dineklara ng mga militar na wala nang halaga umano ang pagboto sa ibang kandidato dahil tiyak nang si Marcos ang mananalo. May ilan ding sinisigawan

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

na Bicolano at pinagbabantaan umano upang palitan ang iboboto sa darating na election.

 Nananawagan ang nasabing grupo sa mga kandidatong karibal nina Marcos at Duterte na imbestigahan ang sabwatang ito at manindigan laban sa militarisasyon laluna’t kinakasangkapan ito upang lutuin ang darating na pambansang eleksyon.

 Hindi rin dapat palampasin ito at pailalim na maniobra ng administrasyon upang makapanatili sa pwesto kabilang na ang lihim na pagsuporta at pangangampanya sa anak ng diktador.

Samantala, Heresay lamang ang lahat na akusasyon sa mga militar na pinapakalat na balita o impormasyon ng NDF Bicol na nagkakaroon umano ng pananakot o pagsisindak sa pagpili na iboboto ng mga ilang Bicolano para sa Pagkapangulo.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

 Ito ang inihayag ni Corporal Ronald Bigata, ang tagapagsalita ng 49th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Brigada News Fm Legazpi. Ayon kay Bigata, wala silang kinakampanyang Pangulo ng Bansa sa mga mamamayan at maging sa kanilang official page sa FB ay wala silang iniindorsong politiko na tumakbong pangulo.

Aniya, mananatiling non partisan ang mga ito upang malayang makapagboto ang mga Bicolano sa darating na eleksyon. Sinabi ng opisyal, lahat ng Incumbent officials ay sumusuporta lamang ito sa mga programa na ipinamamahagi nito sa mga mamamayan at walang nangyayari umanong pag uutos sa mga mamamayan na iboto ang tumatakbong pangulo na si Bongbong Marcos.