Ilang senador, pumalag sa paghain ng resolusyon ni Sen. Hontiveros

Pinalagan ng ilang senador ang paghahain ng resolusyon ni Sen. Risa Hontiveros na humihimok sa gobyerno na makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa drug on war ng Duterte administrasyon.

Isa na dito ang dating PNP chief ni Duterte na si Sen. Ronald Bato Dela Rosa

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Kumpiyansa si Dela Rosa na hindi papasukin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bansa ang ICC.

Nagtataka naman si Sen. Imee Marcos kung bakit itinutulak ito ngayon sa Senado at Kamara gayung maraming mas mahalagang isyu para sa ordinaryong Pilipino.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Nilinaw naman ni Sen. Hontiveros na walang naghahanap ng gulo dahil ang malaking gulo lang ay ang gulo na ibinigay sa mga naulilang pamilya ng mga namatay sa war on drugs.