Ilang senador, nakiisa rin sa protesta ng Senado laban sa PI

Naniniwala si Senador Win Gatchalian na hindi magiging maganda ang resulta ng pagpapatuloy ng people’s initiative (PI) sa bansa.

Ayon kay Gatchalian, kung maitutulak kase ito sa pag-amyenda ng konstitusyon ay maaring matanggal ang check and balance ng sistema.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Kaugnay nito, sa pagpasok ng senador sa Senado ay nakiisa siya sa pagtatali ng ribbon sa kanyang bisig.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Ito ay bilang pagpapakita umano niya ng suporta sa institusyon ng Senado.

Maliban pa roon, makikita sa session ngayong hapon sa Senado na halos lahat ng mga Senador ay nakasuot din ng ribbons.