Hinimok ni Senator Francis “Tol” Tolentino ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na i-simplify ang requirements at proses ng mga Filipino travelers na dadaan sa immigration counters ng mga paliparan.
Ayon kay Tolentino, sinabihan niya na si IACAT Asec. for Policy and Communication, Atty. Jose Domic Clavano IV na kailangang isagawa ang “simplified information campaign” upang maiwasan na ang airport incidents na laging nagpapabigat sa mga mga Pilipino.
Dapat na umanong ipatupad ang naturang hakbang, dhail bago pa makapasok sa paliparan, katakot-takot na check-up na ang ginagawa sa babiyaheng Pinoy.
Samantala, sa kabila ng paglilinaw nin Clavano na ang 2023 flight requirements at porcess ay kapareho pa rin noong sa taontg 2015, binigyang-diin ng mamababaras na dapat manatili ang isang “synchronized” process para maging maayos ang pag-travel ng mga Pilipino.
Mababatid na nakatanggap ng samut-saring pambabatikos at kritisismo ang mas pinahigpit na patakaran ng IACAT sa mga Filipino travelers.