Ilang senador, dapat din na pasalamatan sa malalaking infra projects sa lalawigan

SORSOGON CITY – Binigyang diin ng gobernador ng lalawigan ng Sorsogon na hindi lamang ang Provincial Government ang dapat puriin at bigyan ng pagkilala sa mga naggagandahan at naglalakihang infrastructure projects sa lalawigan kundi ang mga senador na tumulong at nagbigay din ng pondo rito.

Sa ginanap na press briefing, sinagot ni Gov. Francis ‘Chiz’ Escudero ang tanong ng isang media practitioner kung ano ang naiambag ng ilang senador para sa lalawigan.

Read More:  ₱8.8M cigarettes without Graphic Health Warning seized, 3 Arrested

Sinabi nito na ang milyong halaga ng Sorsogon Sports Coliseum at iba pang dambuhalang proyekto maging ang road projects ay dahil sa tulong ng mga senador, at ito umano ay hindi alam ng karamihan.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

Aniya laging bukas ang Senado tuwing humihingi ng tulong ang isang probinsya at ito umano ang dapat na nauunawaan din ng publiko.

PHOTO: Sorsogon 101