Ilang priority bills na inihain ni Sen. Go, nabanggit sa huling SONA ni Pangulong Duterte

Pinasalamatan ni Senador Christopher Bong Go si Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong banggitin sa kanyang huling State of the Nation Address ang ilang mga priority bills na inihain ng mambabatas.

Kabilang sa mga nabanggit na panukalang batas ay ang Fire Protection Modernization Program, “Mandatory Evacuation Center Bill”, pagtatag ng  Department of Disaster Resilience at ang panukalang pagbuo ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon kay Go patunay lamang ito na napakalahalagang maipasa ang mga batas na ito dahil iisa lang naman ang hangad nila ni Pangulo at ito ay ang magbigay ng mas komportableng buhay para sa lahat ng mga Pilipino.

Kasabay nito muling hinikaya’t ni Go ang kanyang kapwa mambabatas na suportahan at tulungan maipasa ang mga panukalang batas na ito para sa ikabubuti ng bansa.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

“Nagpapasalamat ako sa Pangulo for highlighting some of my priority bills during his final SONA. Patunay lamang po na napakalahalagang maipasa ang mga batas na ito dahil iisa lang naman ang hangad namin ni Pangulo at iyan ay ang magbigay ng mas komportableng buhay para sa lahat ng mga Pilipino,” dagdag pa ni Go.