Go pinuri ang pandemic response ng gobyerno kasabay ng paghimok sa mga Pilipino na magpabakuna kontra COVID-19

Pinuri ni Senador Christopher Bong Go ang pandemic response ng pamahalaan matapos itong mabanggit sa huling State of the Nation Address nitong Lunes.

Magugunitang ibinahagi ng Pangulo sa kanyang SONA ang ginawa ni pamahalaan para kontrolin ang pandemic situation sa bansa kabilang na ang pagtatayo ng mga mega quarantine facilities at mga modular hospitals.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Tiniyak din ni Pangulong Duterte na mabibigyan ng maayos at dekalidad na health care ang bawat Pilipino.

Ayon kay Go binabalanse umano ng Pangulo ang lahat subalit prayuridad pa rin nila ang buhay at kalusugan ng mga mamamayan.

Kasabay nito hinimok ng Senador ang lahat na magpabakuna kontra COVID-19 upang makabalik na sa normal ang lahat at makabawi na rin ang ekonomiya.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

“Kaya pakiusap ko lang, habang dumarating ang mga bakuna ngayon please grab the opportunity. Libre po itong bakuna, libre po ito para sa Pilipino. Magtiwala ho kayo sa bakuna, huwag ho kayong matakot sa bakuna,” ayon kay Go.