Kauna-unahang batch ng Moderna COVID-19 vaccine dumating sa lungsod ng Legazpi kahapon

BICOL—Panibagong batch ng COVID-19 vaccine ang dumating sa lungsod ng Legazpi kahapon.

Lumapag sa Legazpi City Airport ang nasa 1000 doses ng Moderna COVID-19 vaccine na nakalaan para sa Maritime Industry Authority Regional Office V (MARINA ROV).

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon sa Department of Health (DOH) Bicol, gagamitin ito para sa first at second dose ng mga seafarers na papalabas ng bansa na enlisted sa MARINA ROV.

Ito ang kauna-unahang batch ng Moderna vaccine na dumating sa Bicol mula nang simulan ang vaccine supply delivery ngayong taon.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang vaccination rollout sa iba’t-ibang lalawigan sa rehiyon para sa target na maabot ang herd immunity at mapigilan ang patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.#