Desidido ang ilang pribadong ospital sa Metro Manila at mga probinsya na putulin ang mga ugnaya nito sa Philippine Health Insurance Corp dahil sa kabiguan nito na magbayad umano ng reimbursement claims.
Sinabi ng Private Hospital Association of the Philippines Inc. (PHAPi) na balak nilang itigil ang pagpapa-renew ng kanilang accreditation kasama ang PhilHealth.
Ipinunto ni PhilHealth PHAPi president Jose Rene de Grano na kabilang sa mga ospital na balak putulin ang ugnayan nito kasama ang PhilHealth ay matatagpuan sa Metro Manila, Iloilo, Cagayan Valley, at General Santos City.
Dagdag ni de Grano, sa susunod na dalawang linggo ay inaasahan na iaanunsyo ng iba pang mga ospital kung patuloy itong mag-aapply ng renewal para sa kanilang PhilHealth accreditation.
Iginiit ni de Grano na umasa sila na makakagawa ang PhilHealth ng konkretong solusyon para sa unpaid claims ng mga ospital noong katapusan ng Oktubre, ngunit sa kabila nito ay wala anyang nangyari.
