Ilang opisyal sa Castillejos sumailalim sa 2-araw na pagsasanay sa CBAIDA ng PDEA

CASTILLEJOS- Sumailalim sa pagsasanay ang apatnaput apat na mga opisyal sa Castillejos, Zambales sa pamamagitan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Ito ay may kaugnayan sa Community-Based Anti-illegal Drug Advocacy Training o CBAIDA.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Kinabibilangan ito ng Sangguniang Kabataan Chairman, Committee on Peace and Order Chairman at Committee on Women and family.

Layon nitong mabigyan ng kaalaman ang mga nagsanay sa mga paraang ginagawa ng gobyerno para malabanan ang ipinagbabawal na droga.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Samantala, tumagal ng dalawang araw ang training na pinangunahan ng PDEA Zambales.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: PDEA Region III

May be an image of indoor and text