Gobernador ng NegOr at ilang opisyal, tinutulan ang pagpapaliban ng BSKE sa lalawigan

Tinutulan ni Negros Oriental Governor Manuel Sagarbarria at iba pang lokal na opisyal ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa lalawigan na nakatakdang ganapin ngayong Oktubre.

Ito’y kasunod ng isinasagawa ngayong konsultasyon ng Comelec na magtatagal hanggang bukas kaugnay sa desisyon kung itutuloy ba o hindi ang BSKE sa lalawigan.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Kasama ni Sagarbarria na tumutol si Vice Governor Jake Reyes kung saan iginiit ng dalawa na ‘generally peaceful’ ang lalawigan matapos ang insidnete ng pagpatay kay Gov. Roel Degamo at siyam pa na iba.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Iginiit pa ng ilang opisyal na dapat nang mapunan ang mga bakanteng posisyon at mapalitan ang mga overaged na mga opisyal na nakaupo pa rin sa pwesto.

Samantala ayon sa COMELEC, ihahayag nila ang kanilang desisyon hinggil dito sa darating na August 28, na pagsisimula ng election period.