Ilang miyembro ng IP community sa Camarines Norte pagkakalooban ng bangka ng BFAR

CAMARINES NORTE- Makakatanggap ng bangka ang ilang miyembro ng Indigenous Peoples Community sa lalawigan ng Camarines Norte mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam, limang fiber glass fishing boats ang nasa kanilang opisina ngayon na handa na para ipamigay sa kwalipikadong benepisyaryo.

Ang benepisyaryo umano  ay  mga Manide at Dumagat, mga komunidad ng IP sa Jose Panganiban at Vinzons.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Kumpleto na rin nang kagamitan ang mga ipapamigay na bangka tulad ng makina at lambat.

Ang National Commission on Indigenous Peoples ang nag -identify ng mga benepisyaryo.

Ani Tiam, libre ang bangka pati na ang mga kagamitang kaakibat nito at ang counterpart lang ng benepisyaryo ay ang katig nito.

Mayroon umanong  Memorandum of Agreement ang ahensiya at ang mga magiging benepisyaryo.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Imomonitor ng BFAR kung nagagamit ng maayos ang mga ipinagkaloob na bangka at kagamitang pangisda upang masigurong napapakinabangan ang tulong na pinagkaloob ng gobyerno

Kung mapapatunayang hindi ito nagagamit sa tama ay pwede umano itong bawiin sa benepisyaryo at ibigay sa karapat- dapat.

Kasama rin sa kasunduan ang pagpapagamit ng bangka sa mga awtoridad para sa law enforcing activity.