LEGAZPI CITY – Umaga pa lamang ay ipinaramdam na agad ng ilang mga tagasuporta maging ng mga opisyal ng barangay ang pagsuporta kay Albay Governor Noel Rosal dahil sa desisyon ng COMELEC en banc na final and executory na disqualification case laban sa kanya.
Dahil dito, nagsagawa ng pagsisindi ng kandila at pagdarasal ang mga tagasuporta ng gobernador ng sa harap ng kapitolyo nito.
Umaasa sila na magbabago pa umano ang desisyon ng komisyon laban sa gobernador.
Ang COMELEC en banc ay nagpadala ng kopya ng Certificate of Finality at Entry of Judgment sa mga partido.
Dahil walang TRO o Preliminary Injunction na iniutos ang korte suprema sa loob ng limang araw, ang COMELEC en banc resolution na may petsang Nobyembre 18, 2022 ay naging final at executory batay sa mga nabanggit na rules.