LEGAZPI CITY – Aabot sa 65 na mga mag-aaral sa Bicol region ang lumahok sa isang kompetisyon ng Regional Musabaqah sa NEAP Hall, DepEd Bicol, Rawis, lungsod ng Legazpi, Albay para sa Arabic Language at Islamic Values Education (ALIVE).
Ilan sa mga isinagawang patimpalak ay Qur’an reading, hard touch and spelling at ang quiz bee and call to prayer.
Layunin ng nasabing aktibidad na makapagbigay kaalaman tungkol sa ALIVE.
Ipinakita ng mga ito ang kanilang talento at kasanayan sa iba’t ibang larangan, maisulong ang kamalayan patungkol sa programang ALIVE at upang maki-isa sa Selebrasyon ng Children’s Month at Filipino Values Month.
Ang mananalong kampeon ay makakatanggap ng P5,000, sa 1st runner up naman ay P4,000 pesos at P3,000 pesos naman sa 3rd runner up.