Ilang mga senador na uupo sa 19th Congress suportado ang BBM stimulus bill

Nagpahayag ng suporta ang ilang mga senador na uupo sa 19th Congress para sa stimulus bill na ipinanukala ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pagsasariwa ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, na ang pagpasa sa “Bayanihan Law” o ang stimulus bill na humihiling para pondohan ang recovery ng bansa mula sa COVID-19 pandemic, ay isa sa kanyang mga campaign promises sa katatapos palang na halalan.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Giit ni Zubiri, na ang naturang panukala ay labis na kinakailangan para masimulan ang economic recovery at maisulong ang pagiging Asian Tiger sa rehiyon.

Kaugnay nito, suportado rin ni returning Senator Loren Legarda ang panukala na may siguradong pondo na makakatulong sa micro, small, at medium enterprises (MSMEs) sa bansa.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Para naman sa isa pang nagbabalik Senado na si Sorsogon Governor Francis Escudero, na ang stimulus bill ay ang kinakailangan ng bansa ngayon, lalo na sa agrikultura at MSMEs.

Binigyang diin naman ni Senator Aquilino Pimentel III, na ang general ideas para sa stimulus bill ay maganda pero kailangan munang busisiin ang detalye nito.