CAMARINES NORTE – Hinimok ng Municipal Environment and Natural Resources Office ang mga Political Candidates, Parties at concerned Organizations na magsagawa rin ng clearing lalo na ng mga campaign materials na nabibilang sa kanila.
Mababatid na noong Huwebes ay sinimulan ng mga tauhan ng MENRO sa naturang bayan ang pagbabaklas ng campaign materials na tatagal hanggang katapusan ng buwan.
Si Mayor Adrian Davoco ay nagpalabas ng Office Order na nag- aatas sa naturang opisina na magsagawa ng pagbabaklas at paglilinis ng mga campaign psoters.
Maging ang Commission on Elections sa naturang bayan ay umapela sa mga kumandidato na magkusa nang baklasin ang kani- kanilang campaign materials.
Hanggang ngayon kasi ay marami pa rin ang mga campaign posters na hindi pa nababaklas.
Ang Department of Environment and Natural Resources ay dati na ring hinimok ang mga kumandidato at kanilang mga supporter na tumulong sa paglilinis at pag dispose ng campaign materials alinsunod sa Republic Act 9003, o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Batay sa pagtaya ng ahensiya inaasahang tataas ng 30 hanggang 40 porsiento ang election related wastes ngayong taon.
Photos: MENRO Basud
