Ilang mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niño, nakatanggap ng PHP10K

BNFM BICOL – NAKATANGGAP ng Php10,000 na ayuda sa ilalaim ng Presidential Assistance to the Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFF) ang mga Bicolanong magsasaka at mangingisda sa iba’t iang mga probinsya na naapektuhan ng El Niño Phenomenom.

Tinatayang 1,300 RSBSA-registered farmers and fisherfolk mula sa Sorsogon, 4,155 na mangsasaka at mangingisda naman galling sa Albay, at 700 farmers and fishers naman mula sa Masbate ang mga nakatanggap ng financial assistance.

Read More:  Authorities raid Davao steel plant after alleged radioactive, substandard steel discovery

Matatandaang nakatanggap ang anim na probinsiya sa Bicol ng Php 161.85 Million mula sa Opisina ng Pangulo na personal na ibinigay ni Pangulong Bongbong Marcos nang bumisita siya sa Camarines Sur at Albay kung saan nabigyan ng P41.55M ang Albay, P10.28M ang Camarines Norte, P50M sa Camarines Sur, P10.23M sa Catanduanes, P36.79M sa Masbate, at P13M sa Sorsogon. ### Pauline Manga, Intern

Read More:  Brigada News, HBONI explore healthier rice drive, feeding program with PhilRice

Photo Courtesy of Department of Agriculture-Bicol Facebook Page