Lalaki, patay sa pananaksak ng kainuman sa Lucena City

Patay ang isang lalaki matapos itong saksakin ng kanyang kainuman sa Barangay Ilayang Talim, Lucena City nitong Biyernes, Hulyo 5.

Sa pagsasalaysay ng suspek, nang maiwan umano silang dalawa ng biktima na nag-iinuman, pinilit umano siya nito na gumamit ng ilegal na droga.

Nang nasa ilalim na sila ng impluwensya ng droga, ilang beses umanong sinabi ng biktima sa suspek na papatayin siya nito habang may hawak hawak na kutsilyo na nauwi sa pagtatalo.

Doon na sinaksak ng suspek ang biktima matapos umano nitong maisip na gagawin niya na bago pa siya masaksak ng biktima.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Matapos ang insidente ay nagtungo ang suspek sa kanyang kapatid at sinabing susuko ito sa kapulisan kung saan doon na rin ito naaresto.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek habang inihahanda na ang reklamo laban sa kanya.