NAGA CITY – May matatanggap na libreng palay seeds ang mga lehitimong magsasaka sa Naga City na naka-rehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture.
Ang mga palay seeds na ito ay galing sa Department of Agriculture (DA) Regional Office na ipapamahagi naman ng City Agriculture Office.
Batay sa paliwanag sa Brigada News FM Naga ni Acting City Agriculturist Officer Frank Mendoza isa ito sa paraan ng City Government para patuloy na bigyan ng suporta at pag-asa ang mga magsasaka ng lungsod, dahil sa mga problemang kinakaharap ng mga ito.
Anya’y makipag-ugnayan lamang sa kani-kanilang barangay ang mga magsasaka.
Nabanggit din ni Mendoza na may gagawing projects ang National Irrigation Administration (NIA) sa tatlong barangay ng lungsod, kabilang na rito iyong pagsa-ayos ng irrigation system .
Ang mga barangay na ito na aayusin ang sistema sa patubig ay kinabibilangan ng Panicuason, Carolina at Balatas.