Ilang mga LGUs sa Bicol, nakiisa sa Multi-Sectoral Dialogue on Freedom of Association ng DOLE

BNFM Bicol- NAKIISA sa dalawang pagpupulong na inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol ang higit 130 katao mula sa iba’t ibang LGUs, management sector, labor sector, workers’ associations sa rehiyon at national government agencies sa Multi-Sectoral Dialogue on Freedom of Association (FOA) nitong ika-4 ng Hulyo.

Binigyang diin ni OIC Regional Director Imelda E. Romanillos ang pagtataguyod ng karapatan ng mga manggagawa at ang halaga nito sa pag-unawa ng ginagampanang papel at pananagutan ng mga ito bilang miyembro ng industriya.

Layunin ng pulong na ito na palawakin ang kaalaman ng mga dumalo patungkol sa mga prinsipyo ng FOA, palakasin ang boses ng iba’t ibang mga stakeholders, at paunlarin ang pagtutulungan ng mga ito tungo sa pagkamit ng industrial peace sa rehiyon. # # # Nico Merciales, Intern

Photo from DOLE Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *