BNFM Bicol- IPAGKAKALOOB ng Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes ang aabot sa P50,000 na ayuda para sa mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK), Youth Organizations, at Youth-Serving Organizations sa Catanduanes.
Ito ang Grant-Based Incentive Support Program (GISP) 2024 na programa ng Provincial Youth Development Office ng lalawigan.
Dahil dito, kasalukuyan nang tumatanggap ng mga aplikante ang nabanggit na programa na nagsimula noong Hulyo 5 hanggang 12 kung saan ibabahagi ng mga aplikante ang kanilang mga programa, proyekto, o mga aktibidad na isinasagawa sa ilalim ng pagseserbisyo sa kabataan sa lalawigan.
Para makonsiderang karapat-dapat ang aplikante, kailangan umanong nakaayon ang mga aktidibad na isinasagawa nito sa kalusugan, edukasyon, economic empowerment, social inclusion and equity, peace-building and security, active citizenship, pangkalikasan, at global mobility. # # # Nico Merciales, Intern
Photo from Catanduanes Government