Ilang mga bayan sa Camarines Sur, drug-cleared na

NAGA CITY – Idineklara ng drug cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Camarines Sur ang bayan ng Magarao, Gainza, Balatan, Milaor, Goa at Presentacion habang nagpapatuloy pa ang evaluation sa bayan ng Caramoan, Bombon, Lagonoy at Sagñay upang tuluyan na itong mapabilang sa mga listahan ng drug-cleared town ng probinsya.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Ayon sa naging pahayag ng isang agent ng PDEA Camarines Sur sa Brigada News FM Naga, kailangang mayroong Balay Silangan ang isang barangay o munisipyo at wala ng makita o makuhang mga drug personality sa lugar upang mapabilang sa drug-cleared municipality.

Read More:  Delayed bridge project leaves Cebu students, residents struggling

Dagdag pa ng ahensya, kahit drug-cleared na ang lugar, under monitoring pa rin ito para hindi na makapasok pa ang mga illegal na droga at drug personalities.