Ilang mga barangay sa Albay, drug-cleared na – PDEA Albay

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay na drug-cleared na ang ilang mga barangay sa lalawigan batay sa isinagawang deliberation and declaration of drug-cleared/drug-free barangays.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PDEA Albay head, Noel Briguel, inihayag niyang dalawang barangay sa Tabaco City ang idineklarang drug-cleared na at ito ay ang Brgy. Bazud at Brgy. Cormidal; Brgy. Ilaor Sur mula sa Oas, at Brgy. Buyo rin sa Manito.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Aniya, ang aktibidad ay nagresulta sa pagdadagdag ng mga naunang idineklarang drug-cleared barangay.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa datos ng nabanggit na ahensya, mayroon nang idineklarang 553 na mga barangay mula sa 625 drug-affected barangays noong administrasyong Duterte. Samantala, sa ngayon ay mayroon na lamang na 72 barangays sa lalawigan ang iaapply sa regional oversight committee upang maideklara na ring drug-cleared.