Ilang mga ATM sa Guatemala, dinikitan ng mga sariwang Isda

NABIGLA ang mga tao sa bansang Guatemala nang makita na ang ilang mga Automated Teller Machine o ATM ay dinikitan ng mga sariwang isda.

Batay sa naging resulta ng isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad, umabot sa 13 mga ATM ang dinikitan ng isda sa iba’t ibang mga lugar sa naturang bansa.

Ang mga larawan ng nangyaring insidente ay pinost sa Instagram na umaani na ngayon ng daan-daang libong mga reaksyon.

Napag-alaman din na hindi ito ang unang insidente bagkus na naka-post din sa naturang Instagram account ang ilan pang bansa na mayroon din kaparehong kaso: Tokyo, Japan; Frankfurt, Germany; Guatemala City, Guatema; Phoenix, Arizona sa U.S.

Ang kakaibang prank ay pinangunahan ng isang 17-anyos.

Sa ngayon nahaharap na sa ibat-ibang mga kaso ang suspek sa paglalagay ng mga sariwang isda sa mga ATM sa naturang bansa. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *