Ilang mga ahensiya ng gobyerno, nagbigay-suporta at tulong para sa Oplan Balik Eskwela ng DEPED Bicol

LEGAZPI CITY – Matagumpay na naisagawa ang Oplan Balik Eskwela ng Department of Education (DepEd) Bicol na may layuning mapakalakas ang unti-unting pagpapatupad ng face-to-face classes ngayong school year 2022-2023.

Naging bahagi sa katagumpayan ng nasabing operasyon ang ilang mga ahensiya ng gobyerno, kung saan, ang mga ito ay nagbahagi ng kani-kanilang suporta, tulong o presensiya sa pagsimula ng pasukan noong nakaraang Lunes.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kabilang sa mga ito ay ang Philippine National Police Regional Office 5 na may mandatong panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, ay nagbigay ng kanilang oras na masiguro ang seguridad ng mga mag-aaral at mga guro.

Kasama rin sa mga nagbigay-suporta ay ang Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) kung saan, nakatuon sila sa pagpapalakas ng Balik Eskwela Road Safety campaign, at iba pang ahensiya, pati na rin ang mga lokal na pamahalaan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Bagama’t dalawang araw na nasuspinde ang pasok sa ilang paarlaan sa lalawigan ng Albay bunsod ng walang tigil na ulang dala ng bagyo, matagumpay pa ring hinarap ng ilang mga paaralan ang pagsisimula ng pasukan.