MDRRMO Bato, naghahanda sa pag-ulan na dala ng LPA 98w

NAGA CITY- Asahan ang pag-ulan ngayong araw sa Bicol Region, ito ay ayon sa weather forecaster na si Mike Padua.

Aniya ito ay remnants ng LPA 98W na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility kahapon, magdadala ng kalat-kalat na pag-uulan at thunderstorms.

Read More:  Shrimp swarm surprises residents along Sipalay beachfront in Negros Occidental

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Malyn Villanueva, Assistant MDRRM Officer ng Bato, Camarines Sur pinaalalahanan nito ang mga paaralan na mag monitor lalo kung binabaha ang mga daanan ng estudyante , guro at pati mga magulang.

Inabisuhan din nito ang mga barangay officials sa mga flood at landslide prone areas na laging mag monitor sa mga abiso, kung hirap sa cellphone signal mayroon namang mga handheld radio.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Sa forecast ng PAGASA kahapon nakita ang kumpol ng ulap na papalapit sa Bicol Region. Sinabi rin na hindi inaalis ang posiblidad na magkaroon pa ng bagyo hanggang sa katapusan ng Agosto.