Ex-PNP chief, Sen. Dela Rosa – umaasang makakapagsalita muli ang Pangulo hinggil sa kanyang posisyon sa ICC probe

Nanatili pa rin ang pananaw ni dating Philippine National Police (PNP) chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa na hindi nagbago ang posisyon ng gobyerno hinggil sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa naging war on drugs sa Pilipinas.

Ito ay sa kabila ng mga naging pananalita ng ilang executive officials tulad ni Justice Secretary Crispin Remulla na nirerespeto nila ang anumang aksyon ng ICC tulad ng pagpapatupad ng posibleng arrest order sa ilang indibidwal kabilang na si Dela Rosa.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ayon kay Dela Rosa, bagamat ganito ang sitwasyon ay makukumbinsi lang siyang nagbago ang polisiya ng bansa sa ICC kung personal itong nagmula sa pahayag ng Pangulo.

Kasunod nito, umaasa siyang muling makakapagsalita ang Pangulo hinggil dito bilang responsibilidad niya ito bilang chief executive.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Samantala, ayon sa senador, hindi malayong may kaugnayan sa politika ang nangyayaring pagbabago sa mga pahayag hingil sa posisyon ng gobyerno sa ICC.

Matatandaan, sa nakarang pahayag ng Pangulo, sinabi niyang para sa ika-isangdaang pag-uulit, tiniyak niyang hindi niya kikilanin kailanman anv hurisdiksyon ng ICC bansa dahil nakikita niya itong panganib sa soberanya.