Ilang mambabatas – umapela sa LGUs na madaliin na ang panghihikayat sa mga constituents nito na magpa-register ng mga SIM Cards

Nanawagawan si Camarines Sur 2nd District Rep. LRay Villafuerte sa mga Local Government Units (LGUs) na mas palawigin ng mga public telecommunications entities (PTEs) ang pagpaparehistro ng mga SIM cards.

Ayon kay Villafuerte, ang mga LGU executives ay makakatulong nang husto sa mga PTEs sa pamamagitan ng paghikayat sa kani kanilang constituents na magparehistro.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay o pagdaragdag ng venue kung saan maaaring mag-sign-up ang mga tao ng kanilang SIMs, at pagbibigay ng on-site list up assistance sa kani kanilang mga lokalidad sa apat na natitirang linggong ito ng pagpaparehistro.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Kabilang umano sa mga hindi pa rehistradong SIM card users ay ang mga may non-data cellphones, pati na rin ang mga SIMs na pag-aari ng mga persons with disabilities (PWDs) at matatandang Pilipino. //Mercell Velila