Ilang mambabatas – nababahala na sa cyberattacks vs gov’t agencies

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na nakababahala na ang nangyayaring mga hacking attempts sa mga tanggapan ng Gobyenro.

Daihl dito, nagpatawag ang Speaker ng isang ‘urgent meeting’ kasama ang mga opisyal ng Deaprtment of Information and Communications Technology (DICT) para pagpaliwanagin sa naturang issue.

Aniya – malinaw itong isang banta sa ating national security lalo na kung mapatunayang mga Chinese talaga ang nasa likod ng mga hacking attempts.

Pareho rin ang naging sentimyento ni Senate Public Services committe chair Senadora Grace Poe at sinabing ‘alarming and outraging’ ang naturang mga insidente.

Aniya, bagamat napigilan naman ang naturang mga hacking attempts – dapat pa rin aniyang magsilbi itong paalala sa Gobyerno na ang mga cyberattacks ay naging mas ‘relentless’ na.

Sabi ni Poe – dapat i-explore na ng Gobyerno ang iba’t ibang mga pamamaraan para masigurong ‘di makokompromiso ang data ng pamahalaan at ng mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *