Pagbuwag sa NTF-ELCAC – ‘di pa napapanahon – kay Sen. Go

Naniniwala si Senador Christopher “Bong” Go na maituturing na complementary sa isinasagawang peace talk ang mga programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Kaugnay nito, nanindigan siyang hindi pa ito ang tamang panahon para itigil ang mga programa ng NTF-ELCAC na nanghihikayat sa mga rebelde na magbalik loob.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Ito ay bilang pagtutol niya sa rekomendasyon ni United Nations (UN) Special Rapporteur Irene Khan na alisin na ito dahil tila outdated na umano ito sa kasalukuyang peace negotiations.

Read More:  Palace blames political noise, fake news for economic slowdown

Dagdag pa niya, napatunayan ng marami ng nagawang pagbabago ang NTF-ELCAC lalo na sa panghihikayat sa mga rebelde na magbalik loob sa gobyerno at mamuhay ng payapa kasama ang kanilang pamilya.