Ilang mambabatas, hinimok ang BSP na imbestigahan ang posibleng “flash crash” na naobserbahan sa peso-US dollar rate

Hinimok ng ilang mambabatas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na imbestigahan ang posibleng “flash crash” na naobserbahan nitong July 20 kung saan ay bumagsak bila ang Philippine peso-US dollar rate mula P50.54 hanggang P42.82 kada dolyar

Sinabi ni Albay Representative Joey Salceda na laging nagsisilbi bilang sources ng volatility ang mga foreign exchange trading platforms.

Gayunman, ang mga biglaang pagbagsak nito na nangyari na walang paliwanag, at ang pagkakaroon ng magkakaibang rates ng iba’t-ibang market, ay maaring maging problema para sa Philippine trade at sa credibility ng PHP bilang isang currency.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Ayon sa House Ways and Means chairperson, ang biglaang pagbabago ay posibleng makasama sa exporters, na bumabawi pa lang mula sa mga naranasan nitong problema sa negosyo dahil sa COVID-19 pandemic.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Ipinunto naman ng kongresista na posibleng meron itong kinalaman sa human error, ngunit hindi niya inaalis ang posibilidad na posibleng may nagdala ng napakalaking halaga ng US currency sa loob ng bansa.

Binigyang diin ni Salceda na kailangan bantayan ang mga ganitong klase ng sitwasyon lalo na ang foreign currency dependent ang bansa, dahil sa malaking bilang ng OFW community.