Ilang lugar sa Libon, Albay, nalubog sa baha sa unang araw ng pasukan

LEGAZPI- Naitala ang pagguho ng lupa sa ilang lugar sa Libon, Albay kasama na ang Bgy. San Vicente dahil sa pag-uulan na dala ng Habagat.

May mga lugar rin na lubog sa baha at hindi madaanan kung kaya, agad na nagpalabas ng abiso ang lokal na pamahalaan.

Sa abiso ng LGU, hindi madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang Paclas Road at Zone1 San Isidro, habang kaya pang daanan ng mga maliliit na sasakyan ang Bonbon-Bulusan boundary at Sagrada Road.

Read More:  1 dead after Cebu hot pursuit turns into gunfight; Police officer hit

Dahil dito, nagpatupad agad ng alternatibong ruta ang LGU para sa mga motorista.

Paglilinaw naman ng MDRRMO, aabot sa 28% ng populasyon ang apektado ng baha tuwing malakas ang buhos ng ulan.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Nagsisilbi rin umano ito na catch basin.

Panawagan naman ng LGU na sa mga residente na nasa peligrosong lugar, maaaring mag-evacuate o magpunta sa mga ligtas na lugar.

Sa ngayon, humupa na ang tubig subalit inaasahan na kapag muling umulan ay mararanasan pa rin ang baha.