Ilang lugar sa Indonesia, umabot sa pre-pandemic level ang mobility sa gitna ng banta ng COVID-19

Hinimok ng World Health Organization ang Indonesia na gumawa ng hakbang para makontrol ang paglaganap ng COVID-19.

Ito ay matapos lumabas sa isang bagong datos na umabot na sa pre-pandemic levels ang mobility para sa retail at recreation sa ilang probinsya ng bansa kabilang na ang Banten, West Java at Central Java na may populasyon na 97-million.

Noong nakaraang buwan lamang ay naging epicenter ang Indonesia ng coronavirus outbreak sa buong Asya.

Sa kasalukuyan ay pinapayagan ng Indonesia na makapag-operate ang mga malss at restaurant sa 25% capacity.

Matatandaan noong nakaraang buwan ay naitala sa Indonesia ang mahigit 56,000 na bagong kaso habang punuan na ang mga ospital sa pinakamataong isla ng Java.

Bumagsak naman ang mga kaso sa tinatayang 15,000 noong August 18, ngunit bumaba rin ang testing rates habang nanatili naman mataas ang positivity rate at death toll ng bansa.