Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na may ilang mga lokal na pamahalaan ang nagsagawa na ng pre-emptive evacuation bilang paghahanda sa bagyong Odette.
Ayon kay NDRRMC spokesman Mark Timbal sa Roxas City, Capiz nasa mahigit pitong-daan ang pansamantalang inilikas sa mga evacuatiion centers dahil peligrong dala ng bagyo.

Sinabi ni Timbal na inalerto na nila ang mga maapektuhang LGU’s na bantayan ang nasa 10, 000 na mga barangay na tinukoy bilang flood at landslide prone areas.
Ayon kay Timbal batay sa impormasyon ibinigay sa kanila ng PAGASA posibleng magdala ng malakas na hangin at maraming buhos ng ulan ang bagyong Odette kaya dapat maghanda ang lahat ng mga maapektuhang lugar.
Muli naman tiniyak na may sapat na relief items na nakahanda ang pamahalaan para sa mga biktima ng kalamidad.