Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho bumaba nitong Setyembre – SWS

Bumaba ang bilang ng mga walang trabahong Pinoy nitong Setyembre batay sa inilabas na datus ng Social Weather Stations (SWS) survey.

Mula 13.5 million noong June 2021 nasa 11.9 million na lamang ito sa pinakahuling pag-aaral ng SWS.

Read More:  De Lima says Duterte must face ICC accountability despite lawyer withdrawal

Katumbas ito ng 24.8 percent ng adult labor force, mas mababa ng 2.8 points mula sa 27.6% na naitala noong Hunyo.

Ayon sa SWS, karamihan sa mga unemployed Filipinos ay umalis sa kanilang dating trabaho, naghahanap ng unang mapapasukan, at mga nawalan ng trabaho dahil sa pagbagsak ng ekonomiya.

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Naitala ng survey firm ang pagtaas ng joblessness sa Visayas na pumalo sa 22.6%, Balance Luzon na may 27%; at sa Mindanao na 16% joblessness.

Nakuha naman ng Metro Manila ang may pinakamaraming bilang ng walang trabaho na umabot sa 34 percent.