HRW hiniling sa ICC na ituloy ang probe sa crimes against humanity vs Duterte Admin

Hiniling ng Human Rights Watch ang International Criminal Court (ICC) Office of the Prosecutor na ituloy ang imbestigasyon sa kasong crimes against humanity sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay HRW Asia Director Brad Adams ang request to defer ng gobyerno ng Pilipinas sa ICC ay isa lamang ‘delaying tactics’ ni Pangulong Duterte.

Read More:  Marcos mourns 2 students killed in Zamboanga shooting, orders probe

Layon lamang umano nitong protektahan ang mga opisyal na responsable sa mass killings na idinulot ng madugong drug war.

Iginiit ni Adams na dapat ituloy ng ICC ang pagsisiyasat upang hindi mabalam ang pagkamit ng hustisya ng mga biktima.

Read More:  House eyes higher DepEd Budget for 2027 school security after Ateneo de Zamboanga shooting

Magugunitang noong Nobyembre ng lumiham si Philippine Ambassador to the Netherlands Eduardo Malaya kay ICC Prosecutor Karim Khan upang ipaalam na ginagawa ng gobyerno ang trabaho nito upang mapanagot ang mga alagad ng batas na umabuso sa kanilang tungkulin.