Ikalawang Pinoy na suspek umano sa pag-abandona sa bangkay ng mag-asawa, arestado

Arestado ang isa pang Pilipino kaugnay ng kaso ng mag-asawang natagpuan wala ng buhay sa Tokyo Japan.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na hinuli ng Japanese Police ang isang lalaking Pilipino na nakita umano malapit sa bahay ng pinaslang na mag-asawa.

Read More:  Daughter of JPE responds to Cayetano following “uncle” remark

Nauna ng inaresto ang Pinay na si Hazel Ann Morales dahil sa pag-abandona sa bangkay ng mag-asawang Hapones.

Sinasabing kasintahan ng anak ng mga biktima si Morales at nakita umano siya sa bahay ng biktima na may tinatapong duguang gamit.

Read More:  Senate to convene as impeachment court vs VP Sara Duterte on May 18

Pero nilinaw ni Department of Foreign Affairs hindi pa inaakusahan ang mga ito sa pagpatay kundi sa reklamong abandonment pa lamang.

Patuloy pa ang pangangalap ng impormasyon ng DFA sa katauhan ng ikalawang Pinoy na suspek.