Muling binatikos ng mga kritiko ang Anti-Terror Act of 2020 matapos na ilabas ng Korte Suprema ang panuntunan sa pagpapatupad ng batas.
Ayon sa mga kritiko layunin lang nito na patahimikin ang oposisyon at hindi para labanan ang terorismo.
Sinabi ni Bayan Muna Chairperson Atty. Neri Colmenares, na bumabalik ang chilling effect ng batas laban sa mga kritiko ng gobyerno.
Inilabas ng Korte Suprema ang Rules on the Anti-Terrorism Act of 2020 and Related Laws kung saan may mga probinsyon kung paano ipapatupad ang batas na inaprubahan noong nakaraang administrasyon.
Nakasaad dito na dapat aprubado ng Court of Appeal ang paggamit ng mga Law Enforcement Agency sa mga service providers para sa mga impormasyon tulad ng text messages ng mga pinaghihinalaan na terosita sa ilalim ng Terrorism Act.
Sa kabila nito, sinabi ni Department of Justice ASEC. Mico Clavano na welcome sa kanila ang mga rules ng Korte Suprema.
Giniit din ng DOJ na binabalense ng Korte Suprema ang karapatan ng mga indibidwal tulad ng data privacy at karapatan sa seguridad.
