PNP, posibleng magdagdag ng mga Pulis na ide-deploy para sa Traslacion 2024

Pinag-iisipan ng Philippine National Police Chief PGEN Benjamin Acorda Jr. na magdeploy pa ng karagdagang tuahan para mapaigting pa ang seguridad sa Traslacion.

Sinabi ni Acorda na pinulong ng Malacanang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para gaya ng Metropolitan Manila Development Authority, Department of the Interior and Local Government, PNP at mga parishioner sa Quiapo Church.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Idineklara namang no fly zone para sa mga drone ang mga lugar na dadaanan ng traslacion pero pinag-aaralan pa rin kung puputulin ang cellphone signal sa naturang ruta para sa seguridad.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Samantala, magkakaroon muli ngayong araw ng pagbabasbas sa mga replika ng poong Nazareno at mga estandarte.

Sa Biyernes naman ay unang ipapatupad ang one and three multiple exit policy.