Ilang kongresista, pinag-iisipang magtungo na rin sa West Philippine Sea

Nakakuha ng inspirasyon si Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr. sa matagumpay na “civilian regatta” ng Atin Ito! Coalition sa Panatag Shoal.

Sa pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni Abante na naisip niyang imbitahan ang mga kasamahang kongresista na magtungo sa West Philippine Sea gaya ng ginawa ng mga sibilyan.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Pagpapakita kasi aniya ito ng pagiging makabayan ng mga Pilipinong lumahok sa paglalayag patungo sa Bajo De Masinloc.

Punto ni Abante, dapat nang magalit ang taumbayan sa ginagawang pambu-bully ng China hindi lamang sa Pilipinas kundi sa panggigipit nito sa buong mundo sa pamamagitan ng pagkontrol sa international trades.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Naniniwala naman si Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na indikasyon ito na sinusuportahan ng nakararami ang posisyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa isyu ng West Philippine Sea.

Nagsisilbi umanong “civic duty” ng bawat isa ang pagsusulong ng karapatan sa WPS.