Divorce Bill, inaasahang mapagbobotohan na bago mag-adjourn ang Kongreso

Inaasahang mapagbobotohan na raw sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagsusulong ng diborsyo sa Pilipinas bago mag-adjourn ang Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ay matapos makalusot na sa ikalawang pagbasa ang naturang panukala.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa panayam ng Brigada News FM kay Albay 1st District Rep. Edcel Lagman, sinabi nitong may commitment na sila na bago mag-adjourn ay mapagbobotohan ang Divorce Bill.

Ayon kay Lagman, tiyak na aabot naman ang pagpasa bago sila mag-break ng sesyon.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Naipadala na rin daw kasi sa mga miyembro ng Kamara ang printed version ng bill para sa final reading.

Kumpyansa si Lagman na maipapasa sa ikatlo at huling pagbasa ang Divorce Bill.