Ilang kongresista, dismayado sa pagkakaapruba ng P16-billion budget ng NTF-ELCAC

Dismayado si Bayan Muna party-list Representative Carlos Zarate na hindi naalis mula sa national budget sa 2022 ang P16-billion na pondo ng anti-communist task force ng gobyerno.

Inihayag ito ni Zarate matapos ratipikahan ng Hosue of Representatives ang bicameral conference committee report sa panukalang P5.024-trillion budget sa 2022.

Read More:  Baste Duterte says VP Sara impeachment is meant to stop her 2028 presidential bid

Kasama sa budget ang P16-billion na pondo ng kontrobersyal na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Naniniwala si Zarate na hindi nakadisenyo ang proposed budget para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ipinunto niya na mas makabubuti kung magagamit ang nasabing halaga sa pagpapaigting ng COVID response kaysa sa red tagging, pagpapakalat ng fake news, at pork barrel.

Read More:  CAAP tightens preparations for Super Typhoon Inday

Iginiit rin ni Zarate na masyadong maliit ang pondo na naibigay sa Department of Health kumpara sa budget ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police.